Ang kati ni Lena 3 - Dingding

Minsan Dingding lang naghihiwalay sa mga nakakahiyang sikreto, makamundo at kaliboglibog na kaganapan.. Ano ang mga narinig at ginawa ni Lena, Lucy, Mang Dado, Maan at Era sa pagitan ng mga dingding. Tunghayan!

..

Maagang nagising si Lena. Pagkatapos niyang maligo at makapagbihis ng pamasok sa trabaho, minabuti niyang gisingin na rin ang anak na si Era. Tumungo siya sa silid nito at dahan-dahang pumasok.

"Era, gising na," malumanay niyang sabi habang tinatapik ang braso ng natutulog. "Maaga pa 'to, pero sasabay ka na ba sa akin? Ihahatid na kita sa sakayan pauwi ng Gulod."

Dahan-dahang iminulat ni Era ang mga mata nito, tila inaabot pa ang diwa. "Ay, Mommy," sagot nito, humikab nang kaunti. "'Di na po siguro. May usapan na po kasi kami ni Tita Maan na siya na po ang maghahatid sa akin pabalik mamaya."

Sandaling natigilan si Lena. "Si Maan?" Naramdaman niya ang biglang pag-igting ng kanyang panga.

“Ayan na naman siya. Para bang sinasadya nitong umeksena sa bawat sulok ng buhay ko. Pati ba naman oras ko sa anak ko, susubukan niyang agawin?” bulong nito sa sarili.

"Opo, Mommy," tugon ni Era, hindi napapansin ang bahid ng inis sa ina. "Sabi niya, ihahatid niya raw po ako pabalik doon para masigurado na ok na ako. Ah, Mommy, pakisabi na lang din po kay Tita Marga na nakauwi na po ako dito kagabi at 'di na siya kailangan mag-alala."

"Sige," tugon ni Lena, medyo tuyo ang boses. "Sasabihan ko."

Hindi na nagtagal pa si Lena sa silid ni Era. May kaunting pagkayamot na bumalong sa kanyang dibdib. Tila pati ang simpleng paghatid sa anak ay tinatangka pang agawin ng kinaiinisan niya na si Maan.

Hindi na siya nagaksaya pa ng oras. Ki...

REPORT ABUSE

What's Your Reaction?

Due to the nature of this site, you must be logged in to react.

like

dislike

love

funny

angry

sad

wow