Sukubo ng Isla Antigo 11 - Cuckatoo!
Nakapako sa wheelchair, nasaksihan ni Bryan ang nag-aapoy na pagtataksil ng kanyang asawang si Edna at ama-amahang si Mang Fred, isang gabing nagbunyag ng mga sumpa, lihim na kapangyarihan, at madilim na pagnanasa, na nagtulak kay Bryan na harapin ang masalimuot na katotohanang bumabalot sa kanilang lahat.
Kabanata 11 - Cuckatoo!
Sa Loob ng Silid ni Bryan sa Ospital...
Ang hangin sa paligid ay tila tumigil sa pag-ikot, bumibigat kasabay ng namumuong tensyon sa pagitan nina Alison at Laura. Matagal na panahon ang lumipas mula nang huli silang magkaharap ng ganito – dalawang babaeng pinag-ugnay at pinaghiwalay ng isang masalimuot na nakaraan. Bawat hindi masambit na salita ay tila multong nagpaparamdam sa pagitan nila.
Si Alison ay hindi mapakali, ang mga mata'y nag-iiwasan, habang si Laura nama’y nanatiling tuwid ang tayo, ang mukha'y tila isang maskara na bahagya lamang nababasag ng kislap ng hinanakit sa kanyang mga mata.
Mula sa 'di kalayuan, hindi nakaligtas sa mapanuring mata ni Edna ang 'di mapalagay na katahimikan na bumabalot sa dalawa. Ramdam niya ang bigat. Bumulong siya kay Fred, “Tito, tara, bili muna tayo ng kape sa labas.” Tumango ang matanda, bahagyang sumulyap sa dalawa bago sila tuluyang lumabas, iniwan sina Alison at Laura sa kanilang sariling mundo ng katahimikan.
Ilang sandali pa ang lumipas bago humugot ng malalim na hininga si Alison, tila nag-iipon ng lakas ng loob. “Laura... salamat pala,” halos pabulong niyang sabi.
Walang emosyong sumagot si Laura, ang tingin ay nanatili sa kawalan. “Para saan?”
Nag-aalangan si Alison. “Sa... sa pag-aabiso mo sa akin tungkol sa nangyari kay Fred. At... sa mga bayarin dito sa ospital. Salamat.”
Isang maikling tango lamang ang isinagot ni Laura, hindi nagb...
What's Your Reaction?
Due to the nature of this site, you must be logged in to react.





