TANIKALA NG BUHAY 2

..

Bagama't kulang sa tulog ay maaga pa ring bumangon si Salve sa pagkakahiga. Kailangan nilang maghanda ng kaniyang kapatid ng makakain para sa agahan. Ayaw sana niyang patulungin ang kapatid dahil baka mabinat ito at bumalik ang lagnat ngunit nakapagtatakang napakasigla nito ngayong umaga.

Matapos makakain ay mabilis na naghanda ang dalaga papunta sa ilog upang maglaba. Ayaw muna niyang makita ang mga magulang. Hindi niya alam kung paano haharapin ang mga ito.

Mabait ang kaniyang Ama at Ina ngunit nahihiya siya dahil sa mga nasaksihan , idagdag pa na sumuway siya sa bilin ng mga ito.

Nasa kalagitnaan na ng kaniyang labada si Salve ng dumating at tumabi sakaniya ang kababatang si Elvira upang maglaba ding gaya niya.

Tahimik lamang ang mga dalagang wari'y nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita.

Matagal na niyang kaibigan si Elvira. Mas matanda lamang ito ng halos isang taon sa kaniya. Maganda ito kahit na hindi gaya niya na makinis at maputi ang balat.

“Nung unang nakarating ako doon nagulat din ako” basag ni Elvira sa katahimikan.

Bahagyang natawa sa isip si Salve dahil hindi talaga sanay na tumahimik si Elvira, madaldal ito at palakwento. Kaya naman nagtataka siya na hindi niya narinig mula dito ang tungkol sa burol.

“Pero sa una lang iyon.” dagdag pa nito.

Patuloy naman sa ginagawa si Salve na hindi man lamang sinulyapan ang kaibigan.

“Sino ang matandang iyon?” walang gatol na tanong ni Salve

Hindi niya kilala ang matandang lalaki na iy...

REPORT ABUSE

What's Your Reaction?

Due to the nature of this site, you must be logged in to react.

like

dislike

love

funny

angry

sad

wow